03/09/2026
Hindi mahalaga kung sino ang mas magaling magbaklas, mas mahusay maglinis, mas maraming alam, mas maraming pera, o mas mataas ang narating.
Hindi naman kailangang maging mas magaling kaysa sa iba.
Sa trabaho, sa negosyo, sa talento, at kahit sa buhay—hindi karera ang lahat.
Ang mahalaga, ginagalingan mo ang ginagawa mo, ginagawa mo ang tama, at wala kang tinatapakang ibang tao para lang umangat.
Dahil sa huli, hindi naman natin kailangang patunayan na mas magaling tayo kaysa sa iba.
Sapat nang alam mong ginagawa mo ang makakaya mo, malinis ang konsensya mo, at wala kang sinasaktan habang inaabot mo ang pangarap mo. ❤️
Hindi kailangang mauna sa lahat.
Ang mahalaga, nasa tamang daan ka. 🙏