28/10/2026
𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗢𝗕.
Sa mga kapwa ko contractors, alam natin na ang construction business ay isa sa pinakamahirap na negosyo na papasukin.
Hindi sapat na marunong ka lang mag-design, mag-estimate, o magpatayo ng building. Kailangan marunong ka rin humawak ng tao, mag-manage ng cash flow, makipag-negotiate sa clients and suppliers, mag-solve ng problems, at gumawa ng desisyon kahit under pressure ka na.
At ang totoo, 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗽𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗶𝘁𝘂𝘁𝘂𝗿𝗼 𝘀𝗮’𝘆𝗼 𝗻𝗮 𝗹𝗲𝘀𝘀𝗼𝗻.
May project na tuturuan kang maging mas maingat sa costing.
May project na magpapaintindi sa’yo kung gaano kahalaga ang contract.
May project na susubok sa leadership at patience mo.
At may project na magtuturo sa’yo ng mga pagkakamaling hindi mo na gugustuhing maulit.
Minsan, kumikita ka. Minsan, halos wala nang natitira sa profit mo. At may mga pagkakataon na kahit ginawa mo ang best mo, may problema pa ring kailangan mong harapin.
Pero that’s how you grow as a contractor.
𝗘𝘃𝗲𝗿𝘆 𝗽𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗶𝘀 𝗻𝗼𝘁 𝗷𝘂𝘀𝘁 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝗯𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗿𝘂𝗰𝘁𝘂𝗿𝗲𝘀. 𝗜𝘁’𝘀 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝗯𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗲𝘅𝗽𝗲𝗿𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲, 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝘀𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺𝘀, 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗰𝗵𝗮𝗿𝗮𝗰𝘁𝗲𝗿, 𝗮𝗻𝗱 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗲𝗽𝘂𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻.
Kaya sa mga nagsisimula pa lang sa construction business, huwag kayong basta ma-excite sa laki ng contract value. Hindi porke milyon ang project, milyon din ang kita.
Learn to estimate properly. Understand your contracts. Manage your cash flow. Build a reliable team. And most importantly, learn from every mistake.
Dahil sa construction, ang pinakamahal na lesson ay kadalasan iyong natutunan mo na matapos kang magkamali.
As I always believe, 𝘆𝗼𝘂 𝗱𝗼𝗻’𝘁 𝗯𝗲𝗰𝗼𝗺𝗲 𝗮 𝗯𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗯𝘆 𝗵𝗮𝗻𝗱𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁𝘀 𝗮𝗹𝗼𝗻𝗲. 𝗬𝗼𝘂 𝗯𝗲𝗰𝗼𝗺𝗲 𝗯𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿 𝗯𝘆 𝗹𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆 𝗽𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝘆𝗼𝘂 𝗵𝗮𝗻𝗱𝗹𝗲.
Ctto: Mr. Contractor