Kabsat Farm

Kabsat Farm Collector of native, rare, exotic, endemic, endangered species, and temperate fruit bearing trees.

18/10/2026

Madilim pa, larga na sa bukid para hakutin ang mga damo na na-grasscutter ni husband, pang-mulch.

Masarap sa pakiramdam ang magpapawis sa umaga.

Pag 7:30 am na, bukid attire na. Mata na lang halos ang makita.
Elvie Cabansag

17/10/2026

MAHACHANOK
Noong first time ko makatikim ng mahachanok, kulay dilaw ang balat.

Sabi ko, parang kinalabaw din, ang sarap!

Pero ngayong natikman ko ang bunga sa sarili kong puno, nag-iba ang lasa.

Akala ko, sira dahil malambot bandang baba ng bunga, yun pala, hinog na. Green pala ang balat pag nahinog.

Ibig sabihin, over ripe na ang natikman ko noon.

Mas masarap pag hinog na green pa ang balat kaysa dilaw ang balat.

Sabi ni husband, may kakumpitensiya na ang chokanan sa sarap.

At walang kaugat-ugat.
Wala ring laman ang buto kaya hindi ko siya naipunla. Elvie Cabansag

17/10/2026

Hindi maganda ito.

Nagkakahanapan ng mga planggana at balde.

Nasaan na daw yung mga bigay ng mga kandidato nung nakaraang eleksyon?

Kailangan pa bang i-memorize yan. Alam ng mga hardinera ang sagot. Pati nga tabo, pinagtataniman eh. Timba pa kaya. 😂😅😂

16/10/2026

GRAFTED PERSIMMON
Pag may moist sa loob ng plastic, kahit nag-take na, nagda-die back.

Kaya nilalagyan ko ng tissue paper. Ganywn talaga pag bagito.😂
Elvie Cabansag

15/10/2026

SUHA DAVAO
8k, nakatanim sa half drum.

Ganyan talaga ang presyuhan.

Iisiping walang bibili dahil mahal. Pero sisiw lang yan ng mga mayayamang collectors.

Sa Agrilink Event po yan. 🥰
Elvie Cabansag

Katuwiran nila, hindi mo makakain ang 8k.

Ito na ang masarap na Pickled Tindora. Walang pait yan, mga kabsat. 🥒🥒
14/10/2026

Ito na ang masarap na Pickled Tindora. Walang pait yan, mga kabsat. 🥒🥒

14/10/2026

Sa Kabsat Farm, prutas ay hindi nauubusan.

Iba-ibang lasa, iba-iba ang asim, iba-iba ang tamis.

Hindi ka mauumay, hindi ka magsasawa.
Elvie Cabansag

11/10/2026

Akala ko noong bata ako, hindi gaanong tumataas ang bayabas.

Mali pala ako. Itong aking seedless guava (na mayron ng konting seeds), lampas na siguro ito ng 2nd floor ng bahay. Kapantay na niya ang aking Millennium Mango.

SALAK o SNAKE FRUIT9-years bago namulaklak o bunga na ba ito? Hindi ko makakalimutan, 2017 ko ito itinanim. Tatlo sila p...
11/10/2026

SALAK o SNAKE FRUIT
9-years bago namulaklak o bunga na ba ito?

Hindi ko makakalimutan, 2017 ko ito itinanim.

Tatlo sila pero ito, pa lang ang namumulaklak. 😍
Elvie Cabansag

Isa lang ang sigurado dito. Wala siyang ka-appeal-appeal. Hindi karapat dapat i-like. Plain ang nothing ito. Sabi ko, ba...
11/10/2026

Isa lang ang sigurado dito. Wala siyang ka-appeal-appeal. Hindi karapat dapat i-like. Plain ang nothing ito.

Sabi ko, bakit puro luya ang nandito, walang sibuyas at kamatis?

"Ginto daw ang presyo."

Wala pang El Niño yan. Hihintayin pa ba ang El Niño bago magtanim. Baka wala ka na rin pandilig.

Ilang linggo ba bago mamunga ang sili sigang, sili labuyo, kamatis, talong, okra? More or less 2months lang.

TANIM NA TAYO, MGA KABSAT.

Address

Pozorrubio

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabsat Farm posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share