07/11/2025
Bakit importante na malaman ang mga nakapaloob sa Land Use Planning? At ang dahilan kung bakit namin ito inaaral? Ito ay upang:
1. Makatulong sa maayos, matalino at "Sustainable" na pag gamit ng lupa.
2. Maisaayos ang pagpaplano ng lungsod, pamayanan,
3. Mapangalagaan ang likas na yaman at kalikasan at
4. Mag aral patungkol sa pagpigil ng sakuna at panganib.
(Hanapin ang problema, solusyon at tumulong ipatupad ito ng maayos sa pamamagitan ng pagpaplano)
Kaunting kaalaman💡
Ano yung mga areas na tinatawag na UPLAND? Ito ang mga sumusunod: ayon sa HLURB CLUP Vol. 1
1.Critical Watershed Areas
2.Primary Forest or Old Growth Forests
3. Biodiversity/Conservation Areas (i.e. Critical species habitats, cave systems, waterfalls, etc.)
4. Critical Geo hazard-High Risk Areas (i.e. landslide/erosion/liquefaction/earthquakes)
5. IPspiritual, cultural, foraging/hunting and burial sites/areas
6. Major archaeological and historical sites
7. Areas with high aesthetic/visual value"
*HLURB Comprehensive Land Use Plan Preparation CLUP Volume 1
BAKIT mahalaga ang UPLAND areas na ito? Dahil nasa upland areas ang mga malalaking puno, matitigas na lupa, mga hayop na nahihirahan sa mga bundok at gubat. Pinagmumulan ng tubig. At higit sa lahat, PROTEKSYON LABAN SA SAKUNA.
Kung halimbawa na nagambala ang ating mga bundok gawa ng pagmimina at patuloy na pagputol ng puno, kapag nagkaroon ng malakas na ulan, ay tiyak na guguho ang mga lupa at bato galing sa bundok pababa sa low land areas (katulad ng nasa picture sa ibaba) makaka apekto ito sa mga dagat, kabuhayan, a higit sa lahat ay mga tao.
Ayon sa HLURB CLUP Vol. 2,
"A key concept that has to be relayed to the municipality is how upland watershed activities greatly affect the coastal areas, even if these activities may be kilometers away from the coast. Negative effects of activities such as mining and lumbering are evident in tragedies that have occurred in areas such as Leyte and the Compostela Valley. What should be realized by upland municipalities is that these activities also cause high sedimentation downstream, which will eventually perturb the coastal waters. This proves to be detrimental to coastal habitats like coral reefs and seagrass meadows."
Katulad halimbawa ng nangyari sa Cebu (makikita sa bawat larawan ang mga napinsalang bundok at pag-apaw ng mga ilog), na bagamat may bagyo na dumating, ang epekto nito ay parang isang delubyo kung tatawagin, maaari sanang maiwasan ang ganitong kalaking pinsala ngunit ang malaking tanong ay, "Saan ba tayo aabutin ng maling pag gamit ng kalikasan, industriyalisasyon, pansariling kapakanan ng mga "Developers" at higit sa lahat, HANGGANG SAAN ANG KORUPSYON?
Maisip nawa din natin na sa kabilaang pagyanig ng lupa at malawakang pagbaha sa ibat ibang lugar sa Pilipinas, nakita na natin ang tunay na kulay ng kahirapan at mga taong SANA ay tagapagpatupad ng TAMA at gumagawa ng paraan para maiahon ang ating BAYAN.
Sana sa susunod, tiyakin natin na sulit ang ang ating pagboto, dahil maliban sa pagbabago ng panahon o Climate Change, nasa kamay ng bawat isa sa atin kung paano aahon sa baha ng kahirapan.
Isang paraan ang magkaroon ng bukas ng kaalaman sa pamamagitan ng EDUKASYON na dapat bigyan din talaga ng panahon ng ating gobyerno, maging hangarin ng bawat guro,magulang at bata, na paglaananan ng panahon ang pagkakaroon ng matibay at dekalidad na edukasyon.
Hindi man natin maiiwasan ang mga Natural na sakuna na maaring mangyari, pero pwede natin maiwasan ang malaking epekto na dulot nito at sana, hindi mismo tayo ang maging dahilan ng pagwasak ng KALIKASAN.
+